Phoenix, nagawang makuha ang unang panalo matapos talunin ang Northport

Phoenix, nagawang makuha ang unang panalo matapos talunin ang Northport

NAGAWA na ring makakuha ng Phoenix Super LPG ang una nitong panalo ngayong season ng PBA Governor’s Cup matapos na talunin ang Northport sa iskor na 108-97.

Umiskor pareho si Jason Perkins at Du’vaughn Maxwell ng tag-26 points upang pangunahan ang Fuel Masters sa unang panalo nito sa Season-Ending Conference.

Nagdagdag naman si RJ Jazul ng 16 points habang nag-ambag si Sean Manganti ng 13 points.

Ito ang unang panalo ng Phoenix sa ilalim ni Jamike Jarin matapos na umalis si Topez Robinson.

Follow SMNI NEWS in Twitter