Phoenix Petroleum Philippines, nagpatupad ng bigtime rollback

GOOD news naman para sa mga motorista, nagpatupad ang kumpanyang Phoenix Petroleum Philippines ng malakihang bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Epektibo simula kaninang 12:00 ng tanghali, natapyasan ng P3 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina at diesel.

Habang walang paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

Inaasahan naman na mag-aanunsyo rin sa mga susunod na araw ang ilan pang kumpanya ng langis ng kanilang price adjustment.

Ang malakihang bawas-presyo ay bunsod ng patuloy na pagbagsak ng presyo nito sa pandaigdigang merkado dahil sa banta ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.