Photo exhibit hatid ng Dabawenyos bilang pasasalamat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

Photo exhibit hatid ng Dabawenyos bilang pasasalamat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

ILAN sa mga piling larawan ng mga Davao photographers na nakasama ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay tampok sa isang photo exhibit sa Davao City.

Bagama’t bumaba na sa kanyang pwesto bilang ika-16 na Pangulo ng bansa, hindi pa rin matapos ang pasasalamat at paglalahad ng pagmamahal ng mga Pilipino sa loob man o labas ng bansa kay dating Pangulong Duterte.

Patunay na dito ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Dabawenyo sa kanyang pag-uwi sa lungsod kamakailan.

At ngayon bilang pagpapahayag ng kanilang taos pusong pasasalamat ay isang photo exhibit ang pinangunahan ng isang mall sa Davao City katuwang ang mga piling photographers na nakasama at personal na nakasaksi sa ilan sa mga aktibidad ng dating Pangulo.

Kabilang sa mga tampok na larawan ay ang- enumerate some of the activities sa photos.

Samantala, ilan sa mga Dabawenyong nakapanayam ng SMNI ay nagpabatid din ng pasasalamat kay dating Pangulo o Mayor Duterte.

Ilan lamang ito sa mga tinig na hindi man palaging naririnig subalit taos-puso ang pasalalamat na hatid sa kanilang kinikilalang ama ng Davao City.

Tatagal ang photo exhibit ng mga Davao based photojournalist mula sa Agosto 1-31 kung saan makikita ang political journey ng dating Pangulo na likha nina Bing Gonzales, Keith Bacongco, Arjoy Ceniza, Ace Morandante, at Rene Lumawag.

Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang Mindanaoan President at pinakamatagal na naglingkod sa Davao City at matalik na kaibigan ng honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy na nagsimula rin sa Davao City.


Follow SMNI News on Twitter