PHP4.5 billion, nalikom ng CPP-NPA-NDF sa loob ng 3 taon

PHP4.5 billion, nalikom ng CPP-NPA-NDF sa loob ng 3 taon

UMABOT ng P4.5 bilyong halaga ang nalikom ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na pondo sa loob ng 3 taon.

Isiniwalat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ang nangyaring press conference ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang bulto-bultong pondo na nanggagaling pa sa mga foriegn donors na nalinlang ng Communist Terrorist Groups (CTGs).

Ginagamit diumano ng mga komunistang grupo ang mga Indigenous Peoples (IPs) para kumolekta ng pondo sa iba’t ibang bansa na karamihan sa natatanggap ng mga ito ay dollars at euros para masuportahan ang aktibidad ng teroristang grupo at marangyang pamumuhay ng mga namumuno nito.

Nabangit ni Alex Paul Monteagudo, Director-General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na malambot ang puso ng mga foreign donors na naging kapamaraanan para maisahan ang mga ito na makapagbigay ng malalaking halaga na hindi nila magawa sa Pilipinas dahil maraming tao na ang namulat sa mga ginagawang propagandang ito.

Dagdag pa nito, ang iba pang pinagkukuhaan ng pondo ng mga ito ay ang Rebolusyunaryong Buwis Ukol sa Kaaway na Uri (RBUKU) o ang tinatawag na revolutionary tax na pangingikil nito sa mga negosyante  na nasa malalayong lugar sa mga probinsiya.

Maliban sa terorismo, ang nalikom na pondo ay ginagamit din para suportahan ang marangyang pamumuhay ng mga pinuno nito gaya nalang ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate na ginagamit ang pera para supportahan ang edukasyon ng kanyang anak na nasa Poland na nabanggit ng Pangulo noong nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi rin ni Monteagudo na isang high-ranking na opisyal ng CTGs ang inalok ng Pangulo ng kanyang pangangailangan sa buhay huwag lang mangikil at gumawa ng mga bagay na labag sa batas na magdudulot ng kasiraan sa bayan.

Ipinaliwanag din ni Monteagudo na iba pa sa kapamaraanan ng CPP-NPA-NDF para supportahan ang operation ng CTGs ay ang mga partylist groups sa Kongreso.

Dagdag pa nito na ang pondong nalikom ay direktang napupunta sa CTG’s Central Committee ayon sa mga surrenderees na kung saan may nangyayaring korapsiyon sa loob na naging dahilan sa pagsuko ng mga ito.

Maliban dito ay mayroon ding mga Congressmen, Governors at Vice-governors pati na rin mga Senador ang sumusuporta sa mga ito pero hindi pa pwedeng pangalanan dahil ongoing pa ang imbistigasyon.

SMNI NEWS