NANANATILING isa sa top influencers sa larangan ng fashion sina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista.
Sa katunayan, sa naging Milan Fashion Week Spring/Summer 2025 Womenswear Edition kamakailan, umabot ng ilang milyon ang media impact value ng dalawa.
Batay sa datos ng fashion platform na Lefty, si Pia ay ika-apat sa rankings matapos umabot ng 11 luxury brands ang nag-imbita sa 2015 Miss Universe titleholder gaya ng Dolce & Gabbana, Boss, Gucci at iba pa.
Si Heart ay nasa ika-13 na spot matapos umabot ng 16 shows ang dinaluhan nito gaya ng sa Fendi, Diesel, Gucci, Tods at iba pa.
Maliban sa dalawa, may iba pang Asians na pasok sa listahan gaya ng K-pop boy group na Enhypen sa rank 1; Karina ng Aespa sa rank 2; Jin ng BTS sa rank 3; Indian actress na si Rashmika Mandanna para sa rank 6; rank 7 si Jaehyun ng NCT; I.N. ng Stray Kids sa number 8; Thai actor na si Pruk Panich sa number 9; at Momo ng Twice sa number 10.
Ang Korean actress na si Moon Kayoung ay rank 11; ang Thai actor na si Kanawut Traipipattanapong sa rank 12; at Hyunjin ng Stray Kids para sa rank 14.