SI Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach pa lang ang kauna-unahang Pilipino na kasali sa annual runway show ng French cosmetic brand na L’oreal Paris sa Paris Fashion Week.
Kasama ni Pia dito ang models ng L’Oreal gaya nina Kendall Jenner, Eva Longoria, Viola Davis, Alia Bhat, at Cara Delevigne.
Noong Marso ay inanunsiyo na si Pia bilang newest ambassador ng L’Oreal Paris Philippines Skincare and Makeup Line.
Ginanap ang show nitong Setyembre 23, 8:30 PM Paris time o kaninang Setyembre 24, 2:30 am, Manila time.