Pia Wurtzbach, nagbabala sa dumadaming online scammers

Pia Wurtzbach, nagbabala sa dumadaming online scammers

NAGBABALA ang beauty queen na si Pia Wurtzbach sa publiko, patungkol sa tumataas na bilang ng online scammers sa bansa.

Sa kaniyang social media post, binalaan ni Pia ang publiko sa mga indibidwal na nagpapanggap na staff nito at humihingi ng bank details.

Dagdag pa ng beauty queen, maging maingat at agad i-report ang mag kahina-hinalang text message at iba pang aktibidad.

Matatandaan na, kamakailan lang nang naging usap-usapan ang kasal ni Pia Wurtzbach sa travel entrepreneur na si Jeremy Jauncey.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter