Piers Morgan, tuluyan nang umalis sa Good Morning Britain

Umalis sa kanyang Show na Good Morning Britain ang kilalang tv host na si Piers Morgan.

Ito ay matapos batikusin at hindi pinaniniwalaan ang mga pahayag ng celebrity wife ni Prince Harry na si Meghan Markle sa show ni Oprah Winfrey.

Kinumpirma ng British Television Channel na ITV ang pag-alis ni Morgan at tinanggap ng ang desisyon ng tv host.

Napag-alaman na mahigit sa 41,000 na reklamo ang natanggap ng show matapos ang pagbatikos ni Piers sa interview nina Prince Harry at Meghan.

Hayagang sinabi ni Piers na hindi ito naniniwala sa estorya ni Meghan na nagkaroon ito ng suicidal thoughts habang nasa poder ng British Royal Family at ito’y nag- iinarte na biktima umano ng racism.

Piers Morgan
Meghan Markle at Piers Morgan

Dati ng magkakilala si Meghan at ang tv host bago paman magtagpo si Meghan at Prince Harry. Dinetalye rin ng tv host na dati na rin silang nag-uusap gamit ang twitter noong 2015.

“She even started sending me early preview episodes of her show so we could debate juicy storylines yet to air”.

Ngunit natapos ito noong huli silang magkita sa isang pub sa London taong 2016. Ang inakala pa ng tv host na doon magsisimula ang kanilang pagkakaibigan pero hindi pala.

“At this point, I was indeed laboring under the massive misapprehension that we were friends. I was wrong,” .

Aniya doon din unang nagkita si Meghan at Prince Harry.

“She met Prince Harry at the dinner that night, went on a solo date with him the next night, and I never heard from her again”.

“Not a word. I’d been ghosted.”

Ayon pa sa tv host lubha siyang na offend.

“I’d been ‘played’ by a couple of B-list actors [kanyang naisali rin ang kaibigan ni Meghan na si Rick Hoffman], who were clearly just using me to advance their careers.” saloobing sulat ng tv host.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.