Piitan sa Arkansas, US, nahaharap sa kaso dahil sa isang namatay na Black detainee

Piitan sa Arkansas, US, nahaharap sa kaso dahil sa isang namatay na Black detainee

NAHAHARAP ngayon ang Sebastian County Jail sa Arkansas, United States sa isang kaso dahil sa pagkamatay ng isang detainee na nakakulong na ng mahigit isang taon.

Ayon kay Attorney Hank Balson, ang pagkamatay ng kanyang ipinipresentang Black American detainee na si Larry Price ay halatang kabiguan ng Sebastian County Jail sa tamang judicial process.

Sa report, nadiskubre si Price na walang buhay at nakahiga sa sahig na may pinaghalong ihi at kontaminadong tubig noong August 29, 2021.

Kaugnay nito, batay sa Arkansas State Crime Lab, idineklara na namatay si Price dahil sa acute dehydration at malnutrition.

Ang masaklap pa, sa wellness-check documents kasunod ng pagkamatay ni Price, nakuha pang markahang “okay” ng prison staff ang well-being at prison cell condition nito.

Ipinangako naman ng Sebastian County Jail na ipapa-review nila ang health records ni Price sa kanilang sariling medical personnel.

Subalit ayon sa abogado ng itinuturong medical facility ng Sebastian County Jail, hindi sila tinawagan ng piitan para magbigay ng mental health evaluation kay Price.

Si Price ay naaresto sa Fort Smith, Arkansas matapos bigla itong pumasok sa police department noong August 19, 2020.

Binabantaan umano nito ang mga police officer habang tinututukan ng kanyang kamay na nagmimistulang baril.

Kilala ng mga pulis si Price na may sakit na paranoid schizophrenia subalit sa araw na iyon ay hindi na anila ito mapatahan kaya’t inaresto.

 

 

Follow SMNI News on Twitter