Pilipinas, 3 pang bansa sa East at Southeast Asia, very low risk na sa COVID-19 –OCTA

Pilipinas, 3 pang bansa sa East at Southeast Asia, very low risk na sa COVID-19 –OCTA

NASA “very low risk” na sa COVID-19 ang Pilipinas at tatlo pang bansa sa East Asia at Southeast Asia.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa kapareho ring classification ang China, Taiwan at Timor-Leste.

Hanggang Marso 9, sinabi ni David na mayroon ang Pilipinas ng 0.68 average daily attack rate (ADAR) at 766 na 7-day average.

Nasa low risk naman ang Cambodia habang nasa severe outbreak ang Brunei, South Korea, Hong Kong, Singapore, Vietnam at Malaysia.

Samantala, inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer anti-covid pill na Paxlovid.

Ito ang ibinalita ni FDA Officer-in-Charge Director Oscar Gutierrez sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Guiterrez, kahapon nang inaprubahan nila ang EUA ng Paxlovid.

Dahil dito, sinabi ni Gutierrez na dalawa na ang anti-viral treatment laban sa COVID-19 sa bansa; ang Paxlovid at Molnupiravir.

Follow SMNI News on Twitter