PALALAKASIN ng Pilipinas at Australia ang kanilang ugnayan hinggil sa sektor ng agrikultura at enerhiya.
Kasunod ito sa pagkikita nina Pangulong Bongbong Marcos at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa 29th APEC Summit sa Bangkok, Thailand.
Ayon naman kay Albanese, suportado niya ang hangarin ng Pilipinas na matugunan ang problema sa climate change.
Dahil dito, tiniyak ng prime minister na maasahan ng Pilipinas ang pakikipag-kooperasyon ng Australia sa bagay na ito.