IPINAGDIWANG ng Pilipinas at France ang ika-75th anniversary ng kanilang ugnayan o diplomatic ties nitong Linggo, Hunyo 26.
Sa naturang pagdiriwang ay binuksan din sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park ang France-Philippines Friendship Park.
Mismong dinaluhan ni French Ambassador to Manila Michele Boccoz ang event kasama sina French Senator Samantha Cazebonne, Sen, Cynthia Villar, DENR Asec. Gilbert Gonzales, at Together-Ensemble President Hubert D’aboville.
Sa seremonya rin ay ipinakita ang isang bantayog na pinangalanang “Intertwined” kung saan isang interpretasyon ito ng Gallic Rooster at Philippine Eagle.
Sumisimbolo ang “Intertwined” sa ugnayan ng dalawang bansa at sa pangako nito para protektahan ang kalikasan.