Pilipinas at France, nagkasundong palawakin ang bilateral defense relations

Pilipinas at France, nagkasundong palawakin ang bilateral defense relations

NAGPULONG sina Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. at French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz sa Department of National Defense (DND), Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ito ay kasabay ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at France, kung saan anim na buwan itong ginugunita na sinimulan noong Hunyo 26.

Nagpahayag ng interes ang dalawang opisyal na palawakin ang bilateral defense relations ng Pilipinas at France sa pamamagitan ng iba pang larangan tulad ng pagtugon ng climate change, humanitarian assistance and disaster response (HADR), information-sharing, at defense acquisition.

Gayundin ang kahalagahan ng ASEAN Centrality at ASEAN Outlook sa Indo-Pacific.

Nagpasalamat si Faustino sa military education at training opportunities ng France sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Binigyang-diin naman ni Boccoz na ang Indo-Pacific region ay isang prayoridad ng France at ang depensa at seguridad ang unang haligi ng Indo-Pacific Strategy nito.

Samantala, suportado ni Faustino ang engagement ng France sa ASEAN.

Follow SMNI NEWS in Twitter