Pilipinas at Germany lumagda ng defense cooperation

Pilipinas at Germany lumagda ng defense cooperation

NILAGDAAN kamakailan ng Pilipinas at Germany ang isang kasunduan ukol sa defense cooperation ayon sa Department of National Defense (DND).

Ang kasunduang ito ay nakabatay sa 1974 Administrative Agreement na tumutukoy sa pagsasanay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa Berlin na posibleng magsisimula sa taong 2026.

Pinalalawak din ng kasunduan ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng cybersecurity, defense armaments at logistics maging ang united nations peacekeeping.

Kaugnay rito ay magsasagawa ng 3rd Philippines-Germany Security and Defense Staff Talks ang DND at German counterpart nito para pag-usapan ang kanilang magiging aktibidad sa susunod na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble