Pilipinas at iba pa, umapela sa Thailand hinggil sa tinanggal na sports events sa 2025 SEA Games

Pilipinas at iba pa, umapela sa Thailand hinggil sa tinanggal na sports events sa 2025 SEA Games

TATANGGALIN ng Thailand ang weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate events sa gaganaping SEA Games sa Disyembre 2025.

Ibig sabihin, nasa walong potensiyal na gold medals ang mawawala ng Pilipinas dahil sa pagkatanggal ng naturang mga event mula sa 40-sport program.

Mapapansing ang jiu-jitsu athletes na sina Kaila Napolis, Annie Ramirez, at Marc Lim; Agatha Wong ng Wushu; Jamie Lim at Sakura Alforte ng karate; at Elreen Ando at Vanessa Sarno ng weightlifting ang mga potensiyal na makakakuha ng gold medals para sa bansa.

Ayon kay Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino, umaapela na sila sa Thailand para dito kasama ang iba pang mga bansa sa Southeast Asia.

Ang SEA Games ay gaganapin sa tatlong lugar sa Thailand mula Disyembre 9 hanggang 20, 2025.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter