Pilipinas at Vietnam, tiniyak ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mga mangingisda

Pilipinas at Vietnam, tiniyak ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mga mangingisda

ISUSULONG ng Pilipinas at Vietnam ang seguridad at kaligtasan ng kanilang mga mangingisda.

Ito ang tiniyak ni Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung sa pagbisita sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Mainit siyang sinalubong ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.

Nagkasundo ang dalawang opisyal na iwasan ang iligal na pangingisda sa kani-kanilang economic zone.

Gayundin ang magkatuwang na pagharap sa mga hamon sa rehiyon.

Binigyang-diin naman ni Hoang ang kahalagahan ng muling ipagpatuloy ang military cooperation sa edukasyon at pagsasanay ng dalawang bansa, na nabawasan dahil sa COVID-19 pandemic.

Follow SMNI NEWS in Twitter