BIBILI ang bansa ng kauna-unahang submarine para mas mapalakas pa ang maritime force.
Alinsunod na rin ito sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa third phase ng military modernization ayon kay Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Roy Trinidad.
Hindi pa matukoy ni Trinidad kung ilan ang bibilhing submarine subalit ang natitiyak nito ay mahigit ito sa isa.
Ang bansang France, Spain, Korea, at Italy ay interesado na sa pagsusuplay ng submarine sa Pilipinas.
Sa kabuuan, kinakailangan ng P2-T na pondo ang third phase ayon sa tagapagsalita.