Pilipinas, bubuksan na sa lahat ng foreign tourists simula Abril 1

Pilipinas, bubuksan na sa lahat ng foreign tourists simula Abril 1

MULI nang bubuksan ang Pilipinas para sa lahat ng foreign tourist kabilang ang mga mula sa visa countries simula April 1.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang karagdagang pagpapalaki ng tourism industry para sa lahat ng dayuhan.

Pebrero 10 nang simulan ng Pilipinas ang pagtanggap sa business at leisure travelers mula sa 157 visa-free countries.

Iniulat din ni Puyat na nakapagtala ng 96,000 turista sa bansa mula Pebrero 10 hanggang Marso 15.

Samantala, may alok na libreng COVID-19 booster shot ang Pilipinas para sa mga Japanese tourists.

Ayon kay Puyat, ang inisyatibo ay ginawa sa pakikipag-ugnayan nina National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez Jr. at NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

Ani Puyat, kasalukuyan siyang nasa Japan na isa sa top source markets ng Pilipinas bago ang pandemya para himukin ang mga mamamayan doon na ligtas nang magtungo at bumiyahe sa Pilipinas.

Sinabi ng kalihim na nakikipagpulong siya sa kanyang counterpart at iba’t ibang tourism organizations sa Japan.

 

Follow SMNI News on Twitter