PINAYUHAN ng isang kilalang political analyst at geopolitics expert UP Professor na si Ana Malindog-Uy ang pamahalaan na maghinay-hinay sa desisyon nito sa usapin ng diplomasya at teritoryo ng bansa.
Kaugnay ito sa patuloy na tensiyon na namamagitan sa Amerika at China kung saan halatang naiipit dito ang Pilipinas.
Ani Malindog-Uy, kung magpapatuloy na magiging agresibo ang Pilipinas sa China habang malambot naman ito sa Amerika, isang malaking pagkakamali ito na gagawin ng bansa.
Sa katunayan, aminado rin ang propesor na hindi nito nagustuhan ang ginawang kondisyon ng Armed Forces of the Philippines sa China nang sabihin na kailangan nitong patunayan sa gawa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.
Giit ni Malindog-Uy, hindi dapat na humingi ng kondisyon ang Pilipinas sa China gayong hindi nito kayang ipakita ang pagkakaibigan ng dalawa matapos na suportahan ng Marcos administration ang paglalagay ng dagdag na EDCA sites sa bansa.