Pilipinas, dapat magkaroon ng teknolohiya para magamit ang nakapalibot na tubig sa bansa

Pilipinas, dapat magkaroon ng teknolohiya para magamit ang nakapalibot na tubig sa bansa

DAPAT magkaroon ng teknolohiya para magamit ang nakapalibot na tubig sa bansang Pilipinas.

Napapalibutan ng maraming tubig ang Pilipinas subalit hindi ito nakokonsumo o nagagamit nang maayos.

Ayon kay Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez sa panayam ng SMNI News, panahon na para magkaroon ng teknolohiya ang bansa na makatutulong para magamit nang maayos ang mga nakapalibot na tubig.

Hakbang na rin ito para hindi na mangangamba pa ang bansa sa water interruptions at maging sa El Niño.

Samantala, makararanas ng daily water service interruption simula Hulyo 12 ang mga lugar tulad ng Quezon City, East o West Fairview at Maynila.

Magsisimula ang interruption mula 7:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter