Pilipinas, handa na para sa paggamit ng AI—PBBM

Pilipinas, handa na para sa paggamit ng AI—PBBM

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kahandaan ng Pilipinas sa paggamit ng artificial intelligence (AI).

Kasabay nito, inimbitahan ng Punong Ehekutibo ang technology companies at venture capitalists na maging katuwang sa paglalayag ng bansa patungo sa bagong technological revolution.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa gitna ng pakikipagpulong nito sa technology investors sa sidelines ng 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting and related activities sa San Francisco, California.

“The Philippines is ready to become your partner in navigating the AI future. As we look to the horizon, let’s ‘Make It Happen in the Philippines,’ where, the promise of a future defined by technological inclusivity and shared growth is not just envisioned but actively realized,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa isang roundtable meeting kasama ang mga pribadong kompanya, mamumuhunan, at mga venture capitalist sa sektor ng teknolohiya, sinabi ni Pangulong Marcos na kasalukuyang tinatanggap ng Pilipinas ang AI revolution.

Naniniwala si Pangulong Marcos na ang AI ay maaaring iangat ang buhay ng mga Pilipino, pataasin ang produktibidad ng mga negosyo, at pahusayin ang competitiveness ng ekonomiya.

“Currently, the Philippines is embracing this future of AI with the crafting of the National AI Strategy that seeks to augment the existing skillset of Filipino talents with AI.  This strategy also aims to position the Philippines as a Center of Excellence in Artificial Intelligence,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ang roundtable meeting ay co-organized ni NightDragon Chief Executive Officer (CEO) David Dewalt, Bain and Company CEO Emmanuel Maceda at ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kasama rin sa pulong ang mga opisyal ng Crescent Point Group, Microsoft, Mandiant (A Google Company) at Group of the Government of Singapore Investment Corporation (GIC).

Naroon din sa roundtable meeting ang opisyal ng Plug and Play Ventures, Altimeter, HP (dating Hewlett-Packard), Visa, Mastercard at Anthropic.

Kaugnay dito, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagtitipon kasama ang mga negosyante ay isang mahalagang okasyon habang ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagdiriwang ng isang milestone, na minarkahan ang pinakamataas na growth rate nito mula noong 1976 na may 7.6 porsiyentong pagtaas sa gross domestic product ng bansa noong 2022.

Idinagdag ng Pangulo na ang kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas, na sinamahan ng US$9.2 bilyon sa Foreign Direct Investments noong nakaraang taon, ay nagsasalaysay ng isang kuwento ng katatagan ng ekonomiya.

Sa pagpupulong, binigyang-diin din ng Pangulo ang aniya’y ‘paramount importance’ ng upskilling at training upang matugunan ang kasalukuyan at hinaharap na talent needs at demands ng bawat industriya sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter