HINDI magiging kasangkapan ng ibang bansa ang Pilipinas laban sa China.
Nilinaw ito ni Senator Francis Tolentino sa gitna ng umano’y tensiyon sa pagitan ng bansa at Beijing.
Sinabi pa ni Tolentino na maraming kaalyado ang Pilipinas gaya ng Japan, Australia, United Kingdom maging ang India at hindi lang Estados Unidos para magamit ito sa isang proxy war.
Matatandaang nauna nang sinabi ng China na ang Estados Unidos ang nasa likod ng pagkakaroon ng tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).
Sa 43rd ASEAN Summit, pinabulaanan din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga sabi-sabi na ang tensiyon sa WPS ay nakasentro sa kompetisyon ng dalawang makapangyarihang bansa.