MAGSISILBING host country ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon para sa 2025 Men’s Volleyball World Championship.
Partikular na gaganapin ito sa Setyembre 12 – 28, 2025.
Dedepensahan dito ng bansang Italy ang kanilang pagiging champion sa event noong taong 2022 laban sa mahigit 30 koponan.
Samantala, ito na rin ang muling pagbabalik ng event sa Asya simula noong taong 2006 sa Japan.