NASA ika-115 sa ranking ng 2023 corruption perception index ang Pilipinas.
Mula ito sa 180 bansa at teritoryo na nasa listahan.
Noong 2022 ay nasa ika-116 sa ranking ang Pilipinas.
Sa nabanggit naman na rankings, ang Denmark ang pinaka-hindi korap na bansa at sinundan ito ng Finland, New Zealand, Norway, at Singapore.
Ang nasa dulo naman ng listahan ay pinangunahan ng Somalia, Venezuela, Syria, South Sudan, at Yemen.