KASAMA ang Pilipinas sa prayoridad na matulungan sa ilalim ng foreign policy ng bansang China.
Sa panayam ng SMNI News kay Geopolitical Analyst Prof. Anna Malindog-Uy, sinabi nitong ang South-South Development and Cooperation ay layong tulungan ang developing countries sa South Asia.
Ang pahayag ni Malindog-Uy ay kasunod ng sinabi ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na sana’y matupad ang investment pledges ng China nang bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Beijing noong Enero.
Sinabi pa ni Malindog-Uy na ang foreign direct investment ng China ang siyang posibleng makatutulong para matupad ang economic development na inaasam ng Pilipinas.
Binigyang-diin din ni Malindog-Uy na hindi lamang ang developing countries ng Asia ang natutulungan ng China kundi ang marami ring bansa sa Africa ay nakabenepisyo sa foreign policy priority nito.