INAASAHANG tatanggap ang Pilipinas ng 800,000 hanggang 1 milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa surplus o stockpile ng Amerika.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, inaasahang darating ang mga bakuna sa susunod na buwan o sa Hulyo.
Ayon kay Romualdez, posibleng Moderna o AstraZeneca vaccines ang darating.
Ang doses ay bahagi ng 80 milyong doses ng bakuna na ido-donate ng Amerika sa iba’t ibang bansa sa buong mundo kabilang ang Pilipinas.
Karagdagang 2.2 million doses ng AstraZeneca vaccine mula COVAX
Samantala, tatanggap ang Pilipinas ng karagdagang 2.2 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine mula COVAX Facility bukas, araw ng Miyerkules.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga bakuna ay ilalaan para sa mga health worker, senior citizen, persons with comorbidities at indigent population.
Sinabi rin ni Cabotahe na darating din ngayong buwan ang libu-libong Moderna doses.
Una nang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nasa 6.4 million doses ang idi-deliver sa bansa ngayong Hunyo.
Kinumpirma naman ni Romualdez na may darating na first batch na Moderna covid-19 vaccine sa Hunyo 27.
“Medyo maliit ‘yun pero next month, July that will probably be closed to a million tapos succeeding down the road up to around November, we will be getting the entire 20-M from Moderna,” pahayag ni Romualdez.
Bukod pa riyan, kinumpirma rin ni Ambassador Romualdez na mayroong ibibigay na donasyon ang Amerika sa Pilipinas na aabot sa 800,000 hanggang isang milyon bakuna.
Ito ay mula sa 80-M excess vaccine ng Amerika na Moderna o Pfizer na posibleng ipapadala sa bansa sa susunod na buwan.
(BASAHIN: 158-M COVID-19 vaccines, inaasahang darating sa bansa ngayong taon)