Pilipinas, Indonesia, nagsumite ng joint demarche sa HK kaugnay sa boarding facilities

NAGPADALA ng isang joint demarche ang Consulates General ng Pilipinas at Indonesia sa opisina ng Ombudsman ng Hong Kong.

Ito ay upang ipanawagan na pagandahin ang kondisyon ng pamumuhay ng foreign domestic helpers na naninirahan sa mga boarding facility ng Hong Kong.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), natanggap na ni Assistant Ombudsman Sara Tse ang nasabing joint demarche.

“The joint demarche mainly called for improved living conditions for boarding facilities and sought the Hong Kong government’s assistance in ensuring that appropriate health and safety standards are put in place to ensure the well-being of FDHs among others,” pahayag ng DFA.

Agosto nakaraang taon kumalat ang impeksyon ng coronavirus sa mga domestic helper na nanunuluyan sa mga boarding facility ng Hong Kong.

Iniulat na 5% sa kaso ng COVID-19 sa Hong Kong ay mula sa domestic helper ngayon lamang Enero 2021.

Sinabi ng isang pahayagan ng Hong Kong Standard, pinahintulutang makapanatili ang mga domestic helper sa boarding houses ng dalawang linggo habang naghahanap ang mga ito ng trabaho.

Datapuwa’t siksikan na umano ang ilan sa mga pasilidad at nalabag ang building usage na siyang maglalagay sa panganib na transmisyon sa mga tenant.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.