Pilipinas iniulat ang bird flu outbreak sa Camarines Norte sa World Organization for Animal Health

Pilipinas iniulat ang bird flu outbreak sa Camarines Norte sa World Organization for Animal Health

NAIULAT ng Pilipinas nitong Enero 9, 2025 sa World Organization for Animal Health na nagkaroon ng bird flu outbreak sa Camarines Norte noong nakaraang buwan.

15 mula sa mahigit 400 na backyard ducks ang nakitaan ng naturang virus.

Nobyembre 2024 nang ito ay mangyari ngunit Disyembre nang makumpirma.

Samantala, hanggang nitong Enero 3 kasama na ang outbreak na ito sa Camarines Norte ay nasa 136 na mga barangay mula sa 32 munisipalidad sa siyam na probinsiya ng limang rehiyon sa bansa ang apektado ng bird flu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter