KINAKAILANGAN na ng bansa ang mag-invest sa internet connection.
Ayon sa grupong Citizenwatch Philippines, kailangan nang sundin ang panukala ng Private Sector Advisory Council na bigyan ng hanggang 240 billion pesos ang pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Makatutulong anila ito para mai-deploy ng mas mabilis ang 5G connections sa buong bansa.
Binigyang-diin ng grupo na kailangan ang mabilis na internet connection kung gusto ng Pilipinas na maging kapansin-pansin na player sa global economy.
Sa datos ng DICT, nasa 65 percent sa mga Pilipino ang hindi parin konektado sa internet.
Sa Statista Research Department, sa taong 2028 pa magkakaroon ng internet connection ang 77.81 percent ng mga Pilipino.
Sa Telecom review, ika-41 ang ranking ng average broadband internet speed ng bansa.