Pilipinas, kasali sa may mataas na kaso ng hepatitis sa buong mundo

Pilipinas, kasali sa may mataas na kaso ng hepatitis sa buong mundo

KASALI ang Pilipinas sa may mataas na kaso ng hepatitis sa mundo.

Batay sa 2024 Global Hepatitis Report, kasama pa ng Pilipinas sa Asia Pacific Region ay ang mga bansa tulad ng Bangladesh, India, Indonesia, Myanmar, Thailand, Cambodia, China, Laos, Mongolia, Vanuatu, Vietnam, at ang island country na Niue.

Sa Pilipinas pa lang ay nasa 6.1 milyon na ang kabuuang kaso ng hepatitis.

Katumbas ito ng 2 percent sa kabuuang worldwide infections ng sakit noong 2022.

Dahil dito, hinihikayat ng international medical experts ang mga bansang may mataas na kaso nito gaya ng Pilipinas na magdeklara na ng health emergencies.

Sa pamamagitan ng pagdeklara nito ay obligado ang mga kinauukulan na magpatupad ng agarang tugon sa problema.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble