KASAMA ang Pilipinas sa mga bansa na binigyan ng China ng 25% cut sa visa fees mula ngayong araw, Disyembre 11, 2023 hanggang Disyembre 31, 2024.
Saklaw rin sa may 25% cut sa visa fees ang iba pang mga bansa tulad ng Thailand, Japan, Mexico, at Vietnam.
Nakakabenepisyo rito ang ilang milyong biyahero dahil magiging mura na ang travel expenses nila papuntang China.
Isa na ito sa pinakalatest na hakbang ng China para mapalago muli ang bilang ng kanilang mga turista.