LALAGDA ng panibagong tripartite agreement ang Philippine government sa British pharmaceutical firm AstraZeneca para sa pagbili ng 20 milyong doses ng COVID-19 vaccine bukas, Enero 14.
Ito ang inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Laging Handa public briefing.
Karagdagan ito sa unang tripartite agreement sa pagitan ng gobyerno, private sector at AstraZeneca para sa 2.6 milyong doses ng bakuna na nilagdaan noong Nobyembre 2020.
Ang 2.6 milyong doses na pinondohan ng isang private sector at binigay bilang donasyon sa Philippine government ay maaaring ibakuna sa isang milyong katao.
Isabela, lumagda na rin ng kasunduan para sa 100 doses ng COVID-19 vaccine
Makakakuha na ang probinsya ng Isabela ng nasa 100,000 doses ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine mula sa British pharmaceutical firm na AstraZeneca.
Ayon kay Gob. Rodolfo Albano III, bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang mga vulnerable at high-risk sectors kabilang na ang senior citizens, health workers, police at mga guro.
Ang kasunduan sa AstraZeneca ay naisapinal sa tulong na rin ng National Task Force against COVID-19 at ng Department of Health (DOH).