Pilipinas, mag-aangkat ng 25,000 metric tons ng isda hanggang sa Enero 2023

Pilipinas, mag-aangkat ng 25,000 metric tons ng isda hanggang sa Enero 2023

MAG-aangkat ang Pilipinas ng 25,000 metric tons ng isda para sa wet markets.

Ito ay sa gitna ng pagsasara ng fishing season simula ngayong Nobyembre hanggang Enero 2023.

Batay ito sa Special Order No. 1002 series of 2022 na nilagdaan ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Kabilang sa mga iaangkat ay frozen round scad, big eye scad, mackerel, bonito at moon fish.

Follow SMNI NEWS in Twitter