HINIKAYAT ni Sen. Imee Marcos na maging maingat ang pamahalaan sa kanilang mga magiging pahayag kaugnay sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.
Alinsunod ito sa sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nakikiisa ang Pilipinas sa Israel nang magkita sila ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss kamakailan.
Punto ni Sen. Imee, may mga Pilipinong Muslim din na maaaring magalit kung pumapanig ang bansa sa iba.
Maaaring targetin ng ISIS, Hezbollah at Hamas ang Pilipinas dahil dito, dagdag pa ng senadora.
Sa kabila nito ay kaisa si Sen. Imee sa pagkondena ng karahasang ginagawa ng Hamas gaya na lang ng pagpatay sa mga sibilyan, mga kababaihan, at mga kabataan.