Pilipinas, magkakaroon na ng pinakamalaking economic zone –PEZA

Pilipinas, magkakaroon na ng pinakamalaking economic zone –PEZA

MAGKAKAROON na ang bansa ng pinakamalaking economic zone ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Kamakailan ay nairehistro ng PEZA ang P125-B project na tatawaging Quezon Techno-Industrial Special Economic Zone sa Mauban, Quezon.

Tinatayang may lawak itong 1, 800 ektarya at aabot sa 2, 000 factories ang maaaring itatayo dito na syang magbibigay-daan ng maraming trabaho.

Magtatayo rin dito ng International Seaport at International Airport kasabay ang planong pagkakaroon ng 200 ektaryang lupain para sa mixed use.

Maaari itong gamitin para sa pagpapatayo ng government offices, residential areas, commercial space at iba pa.

 

Follow SMNI News on Twitter