MAGPAPADALA ang Pilipinas ng 20 atleta sa Harbin, China para sa gaganaping 9th Asian Winter Games.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino, ang delegado na ito papuntang Harbin para sa Asian Winter Games ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang mga Pinoy athlete naman ay sasabak sa anim mula sa 11 available na sports events.
Ang 9th Asian Winter Games ay magsisimula sa Pebrero 7-14, 2025.