MAGPAPADALA ang Special Olympics Pilipinas (SOP) ng 6 na atleta para sa Special Olympics World Games ngayong Hunyo 17 – 25 sa Berlin, Germany.
Ang ipadadalang mga atleta ay makikipaglaban para sa events tulad ng aquatics, athletics, at bocce.
Kasama ang 6 na atleta sa ipadadala ng Pilipinas na 17-man team na binubuo naman ng mga coach at unified partners.
Ang Special Olympics World Games ay isang plataporma para sa mga atleta na may intellectual disabilities subalit nais maipakita ang kanilang pagiging competitive sa sports.