MAGPAPADALA ng tulong sa India ang Pilipinas dahil sa lumalalang outbreak ng coronavirus disease (COVID-19) ng bansa ayon sa Malacañang.
“I’m sure po, pinagiisipan na iyan ng ating Department of Foreign Affairs kung paano rin tayo makakatulong sa India,” ani Roque.
Pag-uusapan aniya ito ng DFA kung ano ang posibleng tulong na maibibigay ang Pilipinas sa bansa.
Ang India ay isa sa pinakamalaking producer ng COVID-19 vaccines ngunit nahihirapan umanong sugpuin ang kinakaharap na pandemya.

“India po ngayon ang biggest supplier of vaccines at iyan po ang nakikitaang solusyon para sa COVID-19,” ani Roque.
Nakapatala ang India ng 360,960 na kaso ng COVID-19 kada araw at aabot naman sa 17.99 milyon ang kabuuan ng kaso ng bansa.

Nito lamang nakaraang Martes ay nakatanggap ng tulong ang bansa mula sa Estados Unidos.
Hinihikayat din ng pangulo ng 75th session ng United Nations General Asssembly na si Volkan Bozkir na magbigay ng dagdag tulong sa bansang India para malabanan ang COVID-19.