Pilipinas, makikipagtulungan sa South Korea para sa pagpapatuloy ng Nuclear Power Plant Project

Pilipinas, makikipagtulungan sa South Korea para sa pagpapatuloy ng Nuclear Power Plant Project

IBINAHAGI ng Ministry of Trade, Industry and Energy na ginawa ni Chief of the Southeast Asian Nation’s Special Commission Mark Cojuangco ang kahilingan sa isang pagpupulong kasama ang Senior South Korean Industry official na si Cheon Young-Ghil sa Seoul.

Inilunsad ng Pilipinas ang proyektong pagtatayo ng nuclear power plant sa rehiyon ng Bataan ngunit ang pasilidad ay hindi pa na-commission sa gitna ng banta sa seguridad at takot na baka maulit muli ang nangyaring pagsabog ng Chernobyl Nuclear Power Plant sa Ukraine noong 1986.

Sa pagpupulong nitong araw, sinabi ni Cojuangco na may pangangailangan ang Pilipinas na magkaroon ng sarili nitong nuclear power plant dahil sa hamon ng energy crisis at climate change, at kailangan nito ang kooperasyon ng South Korea para sa gagawing test kung maari bang ituloy ang proyekto.

Bilang tugon, inihayag naman ni Cheon ang nuclear policy ng South Korea at idiniin na ang Seoul ang magiging pinakamainam na kasosyo dahil mayroon itong advanced construction and operation technologies.

Ibinahagi rin ng dalawang panig ang pangangailangan na palakasin ang komunikasyon at konsultasyon sa government and business sectors tungkol sa proyekto.

Matatandaan na nagpahayag ng kagustuhan si Philippine President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan sa South Korea hinggil sa nuclear power plant project sa isang pulong kay South Korean President Yoon Suk-Yeol sa Cambodia.

Follow SMNI NEWS in Twitter