Pilipinas, malapit nang magkaroon ng low orbit satellites –DICT

Pilipinas, malapit nang magkaroon ng low orbit satellites –DICT

MAGKAKAROON na ng low orbit satellites ang Pilipinas at mapapaunlad na sa pamamagitan nito ang internet connectivity sa bansa.

Ito ang masayang ibinahagi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Spokesperson and Usec. Anna Lamentillo sa panayam ng SMNI News.

Sa katunayan aniya, nasa testing phase na ang paggamit ng low orbit satellites at sa pag-aaral nila sa Sultan Kudarat, gumagana ito.

Maliban pa sa pagkakaroon ng low orbit satellites, tinatrabaho na rin ng DICT ang pagkakaroon pa ng mas maraming free WiFi sites at mapapalawak din ang mga lugar na maabot ng 5G coverage internet connectivity.

Follow SMNI NEWS in Twitter