INIHAYAG ni Home Affairs Minister Datuk Seri Saifuddin Nasution Ismail na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga bilanggo sa mga Immigration depot sa buong bansa.
Sa tala na inilabas ng Malaysian Immigration Depot nitong Enero 29, 15,845 illegal immigrants ang nakadetine sa mga detention depot sa buong Malaysia.
Ayon kay Datuk Saifuddin, may kabuuang 5,138 o 32.4% ang bilang ng mga Pilipinong bilanggo roon.
Sinundan ito ng Myanmar kabilang ang mga Rohingya na may 4,424 o 27.9% at Indonesian na may 4,097 o 25.9%).
Pinakamataas ang bilang ng mga bilanggong lalaki na umabot sa 11,983, babae na 2,683, hindi pa kabilang dito ang mga menor de edad.
Samantala, sinabi ni Datuk Saiduddin na mahigit isang libong menor de edad ang nakakulong sa mga detention center.
Halos kalahati nito ay nakadetine kasama ang kani-kanilang magulang, habang ang halos kalahati ang nakakulong sa iba’t ibang detention center ng Immigration.