Pilipinas, muling lumagda ng kasunduan para sa AstraZeneca COVID-19 vaccine

NAKAKUHA na ang Pilipinas ng 17 milyong pang doses ng United Kingdom-based AstraZeneca’s COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos lumagda ang national government ng tripartite agreement sa AstraZeneca kasama ang private sector at local government units.

Sa ceremonial signing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na 300 na kumpanya at 39 local government units mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang lumahok para bumili ng bakuna.

Ito na ang ikalawang kasunduan ng Pilipinas sa AstraZeneca.

Nobyembre 2020, mahigit 30 na kompanya ang nag-donate ng P600 milyon para makakuha ng 2.6 milyong doses ng bakuna.

Sa ngayon, nire-review pa rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng AstraZeneca para sa emergency use ng kanilang mga bakuna sa Pilipinas.

SMNI NEWS