Pilipinas, muling nakararanas ng mahigit 2-K kaso ng COVID-19 cases kada araw

Pilipinas, muling nakararanas ng mahigit 2-K kaso ng COVID-19 cases kada araw

PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 sa bansa kada araw.

Base sa latest COVID-19 update ng Department of Health (DOH), pumapalo na ulit sa mahigit 2 libo ang kaso ng COVID-19 kada araw.

Ayon sa DOH noong Sabado ay pumalo sa 2,065 COVID-19 cases habang araw ng Linggo, 2,109 ang tinamaan ng sakit.

Kasunod nito umakyat na sa 15,891 ang COVID-19 active cases.

Habang umakyat naman sa 4,115,202 ang total cases sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter