Pilipinas naitala ang 5.6% na paglago sa ekonomiya sa 2021

Pilipinas naitala ang 5.6% na paglago sa ekonomiya sa 2021

KAHIT patuloy na umiiral na pandemya ay unti-unti nang nakakabangon ang ekonomiya ng Pilipinas, sa katunayan ay naging mas mabilis ang paglago nito sa nagdaang taong 2021 kumpara sa inaasahan.

Ayon sa Philippine Statistics authority malaking factor dito ay ang pagluwag ng COVID-19 restrictions.

Batay sa datos ng PSA, nasa 7.7% ang GDP growth ng bansa sa 4th quarter ng nagdaang taon.

Mas mataas ito kumpara sa 5.5 percent na target ng Development and Budget Coordination Committee (DBCC) in sa buwan ng Disyembre.

Ang paglago sa 4th quarter ay mas mataas din kumpara sa mga nagdaang quarter na nasa 6.9% lamang.

Sa parehong panahon noong 2020, negative 8.3 percent ang paglago.

Ang GDP sa nagdaang taon ay malaking pagbabago kumpara sa 9.6 percent na pagbaba noong 2020.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa ang GDP last year ay halos pantay na sa GDP noong wala pa ang pandemiya.

Ang GDP noong 2020 ay bumaba sa P17.939 trillion, ngunit tumaas sa P19.387 trillion sa 2021. Mas malapit ito sa P19.518 trillion na naitala noong 2019.

“So if we compare 2021 versus 2019, current prices, we are down by about P131 billion or estimated 0.7 percent.” sinabi ni Dennis Mapa, National Statistician

Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na ang nasabing pahayag ni Mapa ay umaayon sa forecast ng Economic managers na ang ekonomiya ng bansa ay posibleng bumalik sa pre-pandemic level ngayong taon.

Ani Chua, dahilan ng paglago ng ekonomiya ay ang pagluluwag sa quarantine restrictions at ang vaccination drive.

Inaasahan na mas lalo din itong bubuti sa mga darating na buwan dahil na rin sa hindi naman gaano kalala ang Omicron variant at posibleng mas lalo pang luwagan ang restrictions dahil sa inaasahang pagbaba sa Alert Level 2 sa Pebrero.

Ayon naman sa PSA nangungunang contributor sa paglago ng ekonomiya ay ang industriya ng manufacturing; wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; and construction.

“Among the major economic sectors, Agriculture, forestry, and fishing, Industry and Services all posted positive growths in the fourth quarter with 1.4 percent, 9.5 percent, and 7.9 percent, respectively,” ayon kay Mapa

Dahil dito, inaasahan ng mga economic managers ng bansa na lalago ang ekonomiya  sa 7 hanggang 9 pecent ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter