Pilipinas, nakakuha ng ilang medalya sa 2024 Dutch Sambo Open

Pilipinas, nakakuha ng ilang medalya sa 2024 Dutch Sambo Open

NAKASUNGKIT ang Pilipinas ng medalya mula sa ginanap na 2024 Dutch Sambo Open sa Netherlands kamakailan.

Sa nabanggit na championships, si Sydney Sy-Tancontian ay nakakuha ng bronze medal para sa Women’s +80kg Senior Sport Category.

Ang kapatid nito na si Chino Sy-Tancontian ay panalo sa Men’s +98kg sa Senior Sport Category.

Ang presidente ng Philippine Sambo Federation Inc. (PSFI) at ama ng dalawa na si Paolo Tancontian ay nakakuha rin ng silver para sa Men’s -98kg Sport Masters.

Samantala, si Ace Larida ay nakakuha ng gold medal para sa Men’s 88kg Sports Masters habang si Aislinn Yap ay may bronze para sa Women’s -80kg Seniors Sport Category.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter