NAKAKUHA ang Department of Finance (DOF) ng standby fund mula sa World Bank para magamit ng Pilipinas tuwing may emergency.
Nitong Abril 22 nang nilagdaan ni Finance Sec. Ralph Recto at World Bank Group ang Rapid Response Option (RRO) agreement.
Bahagi ang RRO sa pinalawak na crisis preparedness and response toolkit ng World Bank na naglalayong mabilis na matulungan ang mga bansa sa panahon ng pangangailangan lalong-lalo na sa larangan ng healthcare, shelter, at pagkain.
Hanggang 10% ng unused funds ng isang bansa sa International Bank for Reconstruction and Development kukunin ang pondo para sa RRO.
Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na lumagda rito.