NAKAPAGDETECT na ang Department of Health (DOH) ng unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBF sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, ang XBF ay recombinant sublineage ng BA.5.2.3 at CJ.1 (BA.2.75.3 sublineage) na iniuugnay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Australia at Sweden.
Sinabi ng DOH na ang XBF sample ay nakolekta noong Disyembre 2022 at na-sequence noong Enero 28.
Bukod dito, natukoy rin sa pinakabagong COVID-19 biosurveillance report ng DOH na umakyat na sa 3 ang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 matapos itong madagdagan ng 2.
Tinatawag ng mga eksperto na “Kraken” ang XBB.1.5 na most transmissible o pinaka-nakakahawang uri ng COVID-19.
Ang parehong subvariants ay inuri ng World Health Organization (WHO) bilang subvariants under monitoring.