Pilipinas, nakapagtala ng mahigit 8,000 na bagong kaso ng COVID-19

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 8,019 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pinakamataas na bilang mula nang tumama ang pandemya sa Pilipinas.

Dahil dito, pumalo na sa 671,792 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa Pilipinas hanggang ngayong Lunes, Marso 22.

Mayroon ring naitala ang DOH na 103 na bagong gumaling at apat na pumanaw dahil sa coronavirus.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 86% o 577,850 ang gumaling, 1.93% o 12,972 ang namatay at 12.1% o 80,970 ang aktibong kaso.

Sa bilang ng aktibong kaso, 95.4% dito ang mild, 2.2% ang asymptomatic, 0.9% ang critical, 1% ang severe at 0.52% ang moderate.

COVID-19 active cases sa lungsod ng Maynila, mataas pa rin

Mayroon pa rin ang lungsod ng Maynila ng 2,933 na aktibong kaso ng COVID-19.

Ito ay mula sa 34,548 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang kaninang alas 12 ng tanghali.

Batay sa Manila Emergency Operation Center COVID-19 Monitoring, 704 ang nadagdag na panibagong active cases.

Pumalo naman sa 30,756 ang total na gumaling matapos makapatala ng 420 new recoveries.

Habang 859 na ang mga nasawi sa lungsod matapos itong madagdagan ng pito.

Samantala, pumalo sa mahigit 1,150 ang bilang ng mga healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas lamang ng isang buwan.

(BASAHIN: Mga nabakunahan na medical frontliners, nasa mahigit 300-K na)

Sa tala ng Department of Health, mula noong Pebrero hanggang Marso 21 ay umabot na sa kabuuang 1,154 ang medical frontliners na nahawaan ng virus.

Ito ay sa gitna ng nararansang surge na nagdudulot ng pagkapuno ng ilang mga ospital.

(BASAHIN: COVID-19 ward at ICU ng St. Luke’s Medical Center sa Taguig at QC, puno na)

Sa naturang bilang 786 na ang gumaling habang 367 ang nanatiling active cases.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *