NAKUHA ng Pilipinas ang men’s at women’s titles ng Asia Rugby Emirates Sevens Trophy na ginanap sa Kathmandu, Nepal.
Sa event, tinalo ng Volcanoes men ng Pilipinas ang Chinese Taipei sa iskor na 27-12.
Tinalo naman ng Volcanoes Women ang India sa iskor na 7-5.
Isinagawa ang Asia Rugby noong nakaraang linggo.
Mula rito, sa susunod na taon ay muling makapaglalaro ang Pilipinas sa Asia Rugby Emirates Sevens Series dahil isa ito sa Top 8 teams sa rehiyon.