Pilipinas, namayagpag sa World Int’l Math Olympiad

Pilipinas, namayagpag sa World Int’l Math Olympiad

MATAGUMPAY na nakakuha ng mga gintong medalya ang 14 na Pilipinong mag-aaral mula sa World International Mathematical Olympiad.

Sa 14 ay apat din dito ang kinilala bilang World Champions dahil sa mataas na nakuhang scores nito sa kani-kanilang grade levels.

Maliban sa 14 na gold ay nakakuha rin ng 18 silver medals at 30 bronze ang mga lumahok na mga Pilipinong mag-aaral mula kinder hanggang senior high school.

Ang World International Mathematical Olympiad ay ginanap noong Enero 6-7, 2024 sa Malaysia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble